Nasunog mukha ko sa Tea Tree Oil, at paano ko sya ginamot
Kasa-kasama ko na mga pimples ko since High school until now at 28 years old nako. Ang kikinis na ng mga mukha ng mga kaibigan ko dahil sa rejuvenating na trending ngayon😅 peru dahil pakeme chuchu at takot akong mag rejuve ayon maintain lang ang pimples at kasama pa sa skin routine ang mag pop ng pimples lalo pagmakati na pimple,sarap talaga tirisin😊.
So ayon, Dahil takot ako sa mga chemical or active ingredients(Like rejuvenating) sa mukha lahat nalang siguro ng mga gulay at mga home remedies na try ko na,at ligwak pa rin😂. One night I come up with tea tree oil to treat my pimple(mahilig sa expirement eh) 😄.So ayon na nga nagspot treatment ako sa mga friendly kong pimples at acne with cotton swab tas ang hapdi niya bess. Peru dahil malaki ang tiwala ko sa experiment ko😄 tiis tiis lang muna😄😄.
In the morning, Shadddddahhhh! Ayon sunog😂😂😂....At subrang hapdi after kung mag hilamos. As in boy, nag worse yong pimples at acne ko. At yon na nga.Nadagdagan tuloy dilemma ko sa mukha ko. Parang its my pimples way of saying na "it hurts you know😢😂".
Note: Important note: Learn from my mistake:
Kung gagamit ng Essential oil dapat e delute muna sa carrier oil para hindi masyadong matapang at di masunog mukha nyo.
Example:
Sa case ko na gumamit ako ng tea tree oil pwede ko syang edelute or halu-an ng coconut oil bago ko sya ilagay sa mukha as pimple or acne treatment.
So kung nasunog mukha nyo dahil sa essential oil dahil ayaw nyong mag rejuvenating😅😅😅😅
Ito ang mga pwede nyong gawin as treatment para madaling mag heal yung burn ..
1.Gumamit ng coconut oil:
Wash your face with plain water at e spot treatment sa part na may burn at hayaan nyo lang sya pwede nyo syang ereapply twice a day.
2.Vitaming E:
Yong liquid ng vitamin E kunin nyo tas kuha kayo ng cotton buds at e spot treatment nyo sa sunog na part.Reapply twice a day. Pwede nyo rin syang lagyan ng band aid para mas effective yong treatment.
3. Petroleum Jelly:
Pareho lang sa application ng coconut oil.
4.Turmeric powder+Oats :
Ihalo ang dalawa at lagyan ng kunting tubig para maging paste at e spot treatment. Reapply 2x a day.
"Yong sakin mga 2 weeks natanggal yong scab ng burn peru may dark spot pa rin na naiwan" peru continue lang sa treatment at wag nang mag experiment😆.Try ko nalang mag rejuve next time✌
Thanks for reading this True to life experience✌.
Let me know your experience too!
Its cool!!!!
Comments
Post a Comment